Katalinuhan Marso 3, 2007
Posted by prawnaccident in Poems, Project, Revenge.trackback
Kalawakan ng isipan ang kinakailangan
Upang mapaunlad ang kinabukasan.
Kaya sa kalawakan ng eskwelahang iyon
Ay katawa’t isipan ang kailangan.
Kung makapasok ka doon ay ika’y kalulugdan
Ng mga taong ika’y napapaligiran.
May mga ibang taong ika’y kamumuhian.
Ngunit iyo’y ‘di hadlang sa iyong kasipagan.
Ang ibang estudyante’y gustong mapaunlad
Ang sarili nilang kinabukasan.
Kaya minsa’y gusto nilang mapagaan
Ang mga gawain sa eskwelahan.
Nagagawa nila ang mga masasama,
Mga gawaing labag sa patakaran.
Minsa’y ‘di nila nagagamit ang kanilang isipan
Tulad na lamang ng isang masigabong palakpakan.
Matapos nilang kumain ay itatambak lang sa tabi.
Matpos nilang gumamit ay sa tabi lang ilalabi.
Bakit nila ‘di gamitin ang mainam na sandali
Upang mailagay ang gamit sa tama’t hindi mali?
Hahayaan lang ng iba ang iba nilang kasama.
Hindi nila natutulungan ang ibang nadarapa.
Kung ang pangyayari ang ating babaliktarin,
Tutulungan ka kaya ng iba mong kasama?
Hindi lang nila alam ang kanilang ginagawa
Ay naibabalik ang pangyayaring sa kanila nagsimula.
Matatawag nating karma ang ating magagawa.
Babalik din sa atin ang ating mga nagawa.
maaasahan mo ang katalinuhan kung ito’y iyomg papaunlarin at pagyayamanin sa pag aaral at pagbabasa ng iba’t ibang kaalaman sa agham, matimatika at sa pag aaral tungkol sa mga taong may mahusay na galing ……
mga babasahin nagdudulot ng pagbabago ng kaisipan nauukol sa tamang aral sa buhay at katuwiran sa buhay……