Katapatan Marso 4, 2007
Posted by prawnaccident in Poems, Project, Revenge.trackback
Ang bawat tao ay kailangan ang kaibigan
Upang may masandalan kapag dumating ang kagipitan.
Marapat na ang tao ay mapagkakatiwalaan
Upang ‘di ka pagkaitan ng isang katotohanan.
Ang kaibigan ay kailangang matapat
Upang ‘di pagkaitan ng iyong itatapat.
Maging maingat din sa pagpili ng kaibigan
Upang ‘di ibunyag ang iyong katauhan.
May mga matatapat din naman sa PISAY
Tulad rin ng isang Pilipinong tunay.
Ngunit karamihan sa kanila ay tayo’y masasablay
Dahil sa sarili nilang pangangailanga’y gusto ng hanapbuhay.
Marami nang nakawang naisagawa,
Kayrami na rin ang mga nawawalan.
Sa kabila ng kasikatan ng PISAY, ito’y nababalewala
Dahil sa kaliwa’t kanang nakawan.
Ginagamit nila ang mga utak nila sa maling gawain
Sa halip na sa pagpapaunlad nito ang dapat atupagin.
Dapat ay kanilang gamitin ang pagiging matapat nila
Upang kakaunti na lamang ang kanilang problema.
Sa panahon ngayon ay hindi na lahat halos mapagkakatiwalaan
Ang mga estudyante sa saan mang sulok ng eskwelahan
Dahil sa sila’y hindi tapat na naglilingkod sa kanilang kapwa
At maaaring hindi nila magawa ang maglingkod sa kapwa.
wow!
hi powh,,
ang gndah nmn ng tula nagkakaroon ng aral sa mga magka2ibigan ng tunay… at nakakakuha din kng paano mkipagkaibgn ang isang tao sa kauri nia….. at nagka2roon din i2 ng minsahe sa mga tao o magkaibgan na nagaway dhl sa isng bgay.. salmat sa inyonh tula dhl nkaplot aq ng lesson….